Sunday, 23 September 2012

naudlot.


HAHA! sabi ko tungkol sa "Cyber Crime Prevention Act" ang isusulat ko sa editorial section ng aming school paper. si Sotto-copy pa pala ang author nito. kapal muks din sia a. gumagawa ata siya ng weapon against himself. or baka weapon to save himself!

pero napagtanto ko na hindi ako karapatdapat magsulat ng isang artikulo tungkol dito. kasi, minsan, naging isang Cyber Criminal din ako.

highschool. 4th year na ako. muntik na akong naharap sa korte. 15 years old, ipakukulong na. umabot sa muntikang demandahan. meron nang atorni. pero muntik lang naman. haha!

kaya naman napag-isip isip ko. sayang. kay gandang topic pa naman sana. kaya naisip ko, magsusulat na lamang ako tungkol sa Kotong Cops. haha!